Tuesday, September 21, 2010

Banat ng Confident


Banat ng Confident:

"Di kita mabibigyan ng magandang kinabukas, magandang lahi lang" - Long Mejia

Friday, September 17, 2010

Nilikot na Litrato ng di-Confident


Ito ay larawan ng lalakeng Di-Confident.
Dahil ang confident hindi pino-photoshop ang picture tsaka i popost sa net.

Confident kahit hindi Hunk

Ang Confident: kahit hindi hunk, sexy ang Girlfriend

Confident sa Klase

ang confident natutulog sa klase. 
Ang katwiran nila, Alam na nila ang tinuturo ng titser

Kodiko: Gamit ng di-confident

Ang confident hindi gumagawa ng kodiko. 
Malimit ang mga walang bilib sa sarili ay isinusulat ang kanila kodiko sa tisyu, palad, hita, likod ng ka-klase, sa talukap ng mata at sa loob ng bra.

Walang Self-Confident


Ang Confident hindi nangongopya ng sagot nang kaklase.

Thursday, September 16, 2010

100% Confident

Ang Confident ngumingiti sa harap ng webcam at ina-upload sa youtube.
Ito ay isang video ng taong may isang daang pursiyentong tiwala sa sarili.

Confident in Swimsuit

Ang Confident nagsusuot ng two-piece khit ganyan ang katawan.
Sila ang mga taong nag aangkin ng susun-suson na tiwala sa sarili. 
Hindi sila nangi-ngiming magpakita ng laman.

May Guts

Ang confident ay may guts na mag susuot ng pang seksing damit kahit masagwang tignan.

Ang Confident hindi gumagamit ng Deodorant

 Ang Confident hindi gumagamit ng Deodorant.
Ito ang mga uri ng tao na masasabi nating walang paki sa pang-amoy ng iba, Quezohoda kang mahilo dyan.

Ang Confident hindi nag aahit ng kili-kili

 Ang Confident na babae hindi nag aahit ng buhok sa kili-kili. Hindi din nag bubunot ng buhok na nakalabas sa ilong.

Ang Confident hindi nag-susuot ng Signature Clothes


Ang Confident hindi nag-susuot ng signature clothes. Ang mga uri ng ganitong tao ay hindi alintana kung anu ang tatak ng kanilang isinusuot. Basta confident sila kahit anu isuot nila. Ang kanilang katwiran nasa nagdadala yan.

Ang Confident hindi gumagamit ng Make-up

Ang confident ay hindi gumagamit ng Make-up. Polbo lang solve na!, Ito ay dahil sa kanilang motto sa buhay na PANGIT lang ang nagme-make-up. Sila ang mga taong masasabing kontento na sa kanilang pagmumukha. Ang mga gantong uri ng babae or lalaki ay maituturing na bihira na sa panahon natin ngayon.


Ang Confident madalang maligo


Ang Confident madalang maligo, Naliligo lang ang confident kapag birthday nya, may pista, pasko, may date, at mga okasyo na gaya nito. Subalit malimit na  kung wala ang mga Gigs na gaya ng mga nabanggit, madalas aksidente lang ang kanyang paliligo, kung hindi inabutan ng ulan sa kalsada, nabaha ang kanilang lugar.

Ang Confident hindi Nagsusuklay

Ang confident ay walang suklay sa Bahay, sa Bag, sa Pouch at sa mga kagaya nito, Madalas ang confident ay umaalis ng bahay, opisina, eskwelahan at Ladys room na hindi nag susuklay. Madalas kamay lang ang ginagamit na panghawi ng buhok at solve na sya dun.

Ang Confident hindi Nananalamin

 Confident ka kapag walang salamin sa loob ng inyong bahay. Dahil sa confident mo sa sarili mo umaalis ka ng bahay ng hindi mo nakikita ang mukha mo sa harap ng salamin.
 

About

Site Info

Confident ka ba? Copyright © 2009 Community is Designed by Bie Converted To Community Galleria by Cool Tricks N Tips

;